Peace talks sa MILF bubuksan

Naniniwala ang Malacañang na muling mabubuksan ang nadiskaril na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa loob ng dalawang linggo.

Inihayag ito ni Presidential Adviser on the Peace Process Eduardo Ermita matapos ang bilateral talks sa pagitan ni Pangulong Arroyo at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad.

Bukod sa Malaysia nakahanda ring tumulong sa Pilipinas sa pagsusulong ng peace process sa MILF ang Libya at Saudi Arabia.

Niliwanag ni Ermita na bagamat inihahanda na ang pormal na peace talk ay wala pang kautusan mula sa Pangulo hinggil sa pagdedeklara ng tigil-putukan sa pagitan ng MILF at tropa ng pamahalaan. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments