Militante babantayan ngayong EDSA 1 annibersayo
February 25, 2003 | 12:00am
Iginiit ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Reynaldo Wycoco na mahigpit nilang ipatutupad ang "no permit, no rally" sa mga militanteng grupo na magpupumilit makapasok sa EDSA Shrine sa idaraos na selebrasyon ng ika-17 taong anibersaryo ng People Power Revolution o EDSA 1.
Sinabi nito na ang mga grupo lamang na may permit ang makakapasok sa Edsa shrine, pero pinayuhang huwag mag-ingay upang igalang ang gaganaping misa dito.
Pitong daang pulis ang ipakakalat ngayon para sa seguridad kaugnay ng pagdiriwang ng mapayapang 1986 People Power Revolution na nagpatalsik sa rehimeng Marcos at pormal na nagluklok kay dating Pangulong Cory Aquino.
Pangungunahan ngayon ni Pangulong Arroyo ang pagdiriwang ng Edsa Uno. (Ulat nina Danilo Garcia/Joy Cantos/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended