Anti-terrorism course balak sa HS, kolehiyo
February 25, 2003 | 12:00am
Lilikha lamang umano ng maling impresyon na nasa "state of emergency" ang bansa kung masusunod ang panukala ng Philippine Army na isama sa module ng Citizens Army Training (CAT) sa high school at Reserved Officer Training Course (ROTC) sa kolehiyo ang pagtuturo sa mga estudyante ng anti-terrorism course.
Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), kaduda-duda umano ang panukala ni Army Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling na gawing anti-terrorist marshals ang mga kadete ng CAT at ROTC para alam ng mga ito ang gagawin sa sitwasyon ng "emergency."
Ayon kay Raymund Palatino, pangulo ng NUSP, naghihinala sila na ang tunay na balakin ng militar ay isabak na rin ang mga sibilyan kung saan ang ROTC umano ang gagawing "testing grounds" at sa kalaunan ay kabilang na ang curriculum sa anti-terrorism course.
Ang pahayag ay ginawa ni Palatino sa kabila ng paniniyak ni Camiling na hindi maihahalintulad sa mga sundalo na aktibong sumasabak laban sa mga teroristang grupo ang mga estudyante dahil magsisilbi lamang ang mga itong anti-terrorism marshals na tuturuan kabilang na ang "bomb detection" para maging handa sa oras na magkaroon ng pag-atake ang mga terorista.
Ikinatwiran ni Palatino na lilikha lamang umano ito ng takot sa panig ng mga magulang kung tuturuan ang mga estudyante sa CAT at ROTC sa "bomb detection" dahil magbibigay ito ng impresyon na nasa "state of emergency" ang Pilipinas at hindi ligtas na mamuhay rito.
Hindi umano dapat ipasa sa mga batang estudyante ang responsibilidad ng militar na bigo nitong gampanan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended