Maging alerto sa suicide bombers Palasyo
February 24, 2003 | 12:00am
Pinayuhan kahapon ng Malacañang ang publiko na maging alerto kaugnay sa ulat na pagpapakalat ng 50 na suicide bombers ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, dapat na iwasan ang mga posibleng target ng mga terorista.
Gayunman, sinabi ni Bunye na hindi dapat na magpaapekto ang mamamayan sa banta ng ASG at MILF sa kanilang normal na pamumuhay dahil ang estilo ng mga terorista ay manakot at maparalisa ang publiko.
Nalugod ang Malacañang sa ginawang pag-ako ng ASG sa pambobomba sa Awang airport sa Cotabato. Mas nakabuti aniya ang pag-amin ng ASG dahil unang pinagbintangan dito ay ang MILF.
Hindi na nagtataka ang Palasyo sa nasabing pagsalakay ng ASG dahil dati na itong sangkot sa mga pambobomba at iba pang karahasan sa Mindanao.
Samantala, hinamon ng Malacañang ang MILF na magpunta na sa Kuala Lumpur, Malaysia upang pasimulan ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno.
Sinabi ni Bunye na nais ng Palasyo na matigil na ang labanan sa Mindanao at ipagpatuloy ang peace negotiation.
Ang nasabing hamon ay tugon sa panawagan ng mga MILF leaders kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magdeklara ng ceasefire at ituloy ang peace talks sa pamamagitan ng Malaysian government.
Nasa Malaysia na si Presidential adviser Norberto Gonzales upang isaayos ang peace talks sa tulong ng Malaysian government. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended