Ang task force ang inatasan din ng Pangulo na buwagin ang mga terminal ng mga illegal na nagbibiyaheng sasakyan sa loob ng isang buwan.
Hahanapan din ng paraan kung paano mabibigyan ng lugar na matitigilan ng sasakyan para magbaba at magsakay ng pasahero.
Magastos umano sa diesel ang pagpapaikot-ikot ng mga jeepney sa paghahanap ng pasahero.
Sa loob ng dalawang linggo, sinabi ng Pangulo na bubuksan na ang mga bomba ng krudo sa tatlong terminal ng pampasaherong sasakyan para magsilbing dealer ng murang diesel fuel.
Ang mga direktibang ito ay may kinalaman sa ipinangako niyang benepisyo sa mga organisasyong pangtransportasyon bilang sukli sa pangakong hindi muna hihingi ng dagdag na pasahe. (Ulat ni Lilia Tolentino)