^

Bansa

Task Force vs kolorum

-
Upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila, nagtatag si Pangulong Arroyo ng isang task force na pamumunuan ni Transportation Secretary Leandro Mendoza para mawala sa kalye ang nagbibiyaheng kolorum na mga sasakyang pampubliko gaya ng jeep, bus at FX na nagpapasada sa labas ng kanilang ruta.

Ang task force ang inatasan din ng Pangulo na buwagin ang mga terminal ng mga illegal na nagbibiyaheng sasakyan sa loob ng isang buwan.

Hahanapan din ng paraan kung paano mabibigyan ng lugar na matitigilan ng sasakyan para magbaba at magsakay ng pasahero.

Magastos umano sa diesel ang pagpapaikot-ikot ng mga jeepney sa paghahanap ng pasahero.

Sa loob ng dalawang linggo, sinabi ng Pangulo na bubuksan na ang mga bomba ng krudo sa tatlong terminal ng pampasaherong sasakyan para magsilbing dealer ng murang diesel fuel.

Ang mga direktibang ito ay may kinalaman sa ipinangako niyang benepisyo sa mga organisasyong pangtransportasyon bilang sukli sa pangakong hindi muna hihingi ng dagdag na pasahe. (Ulat ni Lilia Tolentino)

HAHANAPAN

LILIA TOLENTINO

MAGASTOS

METRO MANILA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

TRANSPORTATION SECRETARY LEANDRO MENDOZA

ULAT

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with