^

Bansa

Kasong treason binalewala ni Sec. Reyes

-
Minaliit ni Defense Secretary Angelo Reyes ang pahayag ni Senador Aquilino Pimentel na posibleng makasuhan siya ng treason kaugnay sa pagsasagawa ng Balikatan 03-1 sa Sulu.

Ayon kay Sec. Reyes, isang war time offense ang treason kaya’t malabo itong maisulong ng senador. Bukod dito, pag-uusapan pa lang nila ng kanyang US counterpart na si Secretary Donald Rumsfeld ang mga detalye sa naturang joint military exercise.

"I don’t think that anybody can be charged for anything that has not yet been committed," sabi ng kalihim.

Nauna rito, naalarma ang mga senador sa napaulat na pagsali ng mga tropang Amerikano sa combat operations laban sa mga terorista sa Sulu, partikular ang Abu Sayyaf. Bunga nito, magsasagawa ang Senado ng imbestigasyon ukol dito sa susunod na linggo.

Samantala, tumulak ngayon patungong Estados Unidos si Sec. Reyes sa imbitasyon na rin ni Rumsfeld para maplantsa ang iba pang mga detalye sa nakatakdang Balikatan 03-1 sa Sulu.

Bago umalis ay tiniyak ni Reyes na naaayon sa batas at pabor sa interes ng Pilipinas, partikular sa pag-unlad at pagtataguyod ng kapayapaan sa Sulu, ang anumang mapagkakasunduan hinggil sa RP-US military exercise.

Sinabi ng kalihim ng DND na idudulog niya rin sa US government ang pagtataguyod sa kapakanan ng mga Filipino veterans. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

AMERIKANO

AYON

BALIKATAN

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

ESTADOS UNIDOS

JOY CANTOS

REYES

SECRETARY DONALD RUMSFELD

SENADOR AQUILINO PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with