Sa isang radio interview, sinabi ni Sulaiman na talaga umanong iniumang nila ang pinasabog na bomba sa nasabing paliparan upang targetin si Sec. Reyes subalit hindi naman natuloy ang kalihim sa pagtungo sa nasabing lugar.
Sa naturang insidente ay isang sundalong babae ang nasawi habang anim pang sibilyan ang nasugatan matapos sumambulat ang isang improvised bomb na itinanim sa isang kotse.
Nauna nang pinaghinalaan ng militar na mga rebeldeng MILF ang responsable sa insidente matapos na bumagsak ang Camp Buliok sa kamay ng tropang gobyerno nitong nakalipas na Pebrero 15.
Ayon pa kay Sulaiman ang pambobomba ay bahagi umano ng pinalawak pa nilang paghahasik ng terorismo mula sa kanilang teritoryo sa katimugan hanggang sa gitnang bahagi ng Mindanao region.
Base sa intelligence report, ang puwersa ng mga armadong bandido ay namataang gumagala sa kagubatan ng Talipao matapos na mapaslang ang isa nilang lider na si Mujib Susukan sa pakikipag-engkuwentro sa tropa ng pamahalaan kamakailan.
Sinabi ni P/Chief Supt. Acmad Omar, chief ng ARMM, na naispatan si Galib Andang alyas Kumander Robot at ilan pang lider na kasama ang 250 mga armadong tauhan sa Kan Untuk na matatagpuan may kalahating kilometro ang layo sa pagitan ng Sitio Kutah Dungin, Brgy. Tiis Kutong at Mt. Kutong, pawang sa bayan ng Talipao.
Ayon kay Omar, posible umanong nagpapalakas ng puwersa ang grupo ng mga bandido sa kagubatan ng Talipao matapos na mapaslang si Susukan.
Si Susukan ay kinumpirmang napatay sa engkuwentro ng militar nitong Pebrero 19 kasama ang isang miyembro ng ASG na kinilalang si Rasul Hatib Insah sa Brgy. Lower Binuagan, Talipao at Brgy. Bandang. (Ulat ni Joy Cantos)