^

Bansa

Pambobomba sa Awang airport inako ng Abu Sayyaf

-
Inako kahapon ng isang nagpakilalang bagong spokesman ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na si Abu Sulaiman na sila umano at hindi ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang responsable sa pambobomba sa Awang Airport sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kaugnay ng kill plot laban kay Defense Secretary Angelo Reyes noong nakalipas na huwebes.

Sa isang radio interview, sinabi ni Sulaiman na talaga umanong iniumang nila ang pinasabog na bomba sa nasabing paliparan upang targetin si Sec. Reyes subalit hindi naman natuloy ang kalihim sa pagtungo sa nasabing lugar.

Sa naturang insidente ay isang sundalong babae ang nasawi habang anim pang sibilyan ang nasugatan matapos sumambulat ang isang improvised bomb na itinanim sa isang kotse.

Nauna nang pinaghinalaan ng militar na mga rebeldeng MILF ang responsable sa insidente matapos na bumagsak ang Camp Buliok sa kamay ng tropang gobyerno nitong nakalipas na Pebrero 15.

Ayon pa kay Sulaiman ang pambobomba ay bahagi umano ng pinalawak pa nilang paghahasik ng terorismo mula sa kanilang teritoryo sa katimugan hanggang sa gitnang bahagi ng Mindanao region.
Abu Sayyaf nagpapalakas ng puwersa sa Sulu
Masusing sinusuyod ngayon ng magkakasanib na puwersa ng AFP at PNP ang kagubatan ng Talipao, Sulu matapos mamataan sa nasabing lugar ang isang malaking grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Base sa intelligence report, ang puwersa ng mga armadong bandido ay namataang gumagala sa kagubatan ng Talipao matapos na mapaslang ang isa nilang lider na si Mujib Susukan sa pakikipag-engkuwentro sa tropa ng pamahalaan kamakailan.

Sinabi ni P/Chief Supt. Acmad Omar, chief ng ARMM, na naispatan si Galib Andang alyas Kumander Robot at ilan pang lider na kasama ang 250 mga armadong tauhan sa Kan Untuk na matatagpuan may kalahating kilometro ang layo sa pagitan ng Sitio Kutah Dungin, Brgy. Tiis Kutong at Mt. Kutong, pawang sa bayan ng Talipao.

Ayon kay Omar, posible umanong nagpapalakas ng puwersa ang grupo ng mga bandido sa kagubatan ng Talipao matapos na mapaslang si Susukan.

Si Susukan ay kinumpirmang napatay sa engkuwentro ng militar nitong Pebrero 19 kasama ang isang miyembro ng ASG na kinilalang si Rasul Hatib Insah sa Brgy. Lower Binuagan, Talipao at Brgy. Bandang. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ABU SULAIMAN

ACMAD OMAR

AWANG AIRPORT

AYON

BRGY

CAMP BULIOK

CHIEF SUPT

TALIPAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with