^

Bansa

Sinanay na suicide bombers ng MILF ikakalat

-
Anumang oras ay maaari umanong ikalat ang mga sinanay na mga suicide bombers ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa all out war laban sa puwersa ng pamahalaan sa Mindanao.

Ito ay kasunod ng pagbubulgar ni Datu Norodin "Noor" Lucman, isang Muslim scholar at author ng Moro Archive, na kinopya ng MILF ang guerilla tactics ng Palestinian at Tamil rebels sa Sri Lanka na gumagamit ng tao sa pagpapasabog sa kanilang target.

Ayon kay Lucman, dalawang taon nang nagsasanay ng "human smart bombs" ang MILF. "The training of suicide bombers is ongoing. It started in the year 2000 when former President Estrada launched an all out war against the MILF. The government is aware of this training," sabi ni Lucman.

Inihayag pa niya na ang suicide bombers ang itinuturing umano ngayong "weapon of the future" ng Islamic fighters sa buong mundo.

"Suicide bombers are smart bombs, it will be the weapon of the future," sabi ni Lucman.

Ito ang armas na ginagamit ngayon ng Palestinians at Tamil rebels sa pagtira sa civilian at military targets nila.

Sa isang position paper na inilathala ni Lucman, nakalagay dito na base sa inteligence reports ang MILF ay mayroon nang portable Surface-to-Air Missiles, lethal medium at heavy anti tanks weapons.

Dahil dito ay duda si Lucman na head ng Muslim Multi-sectoral movement for peace and development kung babalik pa ang MILF sa negotiating table.

"The MILF may not agree to a ceasefire because the general command has ordered mass mobilization in central and western Mindanao since last week," pahayag pa ni Lucman.

Gayunman, hindi batid ni Lucman kung ang pagpapasabog kamakailan sa Cotabato City at Maguindanao ay gawa ng MILF suicide bombers. (Ulat ni Perseus Echeminada)

AIR MISSILES

COTABATO CITY

DATU NORODIN

LUCMAN

MILF

MINDANAO

MORO ARCHIVE

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with