Ang nasabing hakbang ay isinusulong ng nasa 500 Lakas-CMD na pinangungunahan ni Negros Oriental Rep. Jacinto Paras.
Ayon kay Atty. Ruben Almadro, hindi maganda ang ginagawa ng mga kongresista na pabor sa kandidatura ni Cojuangco dahil pinangungunahan nila ang liderato ng Lakas-CMD sa pagpili ng standard bearer base sa rules at procedure ng partido.
Sinabi naman ni Wayne Jaro, provincial at district chairman ng Lakas-CMD sa Biliran na "unethical" at makasarili ang hakbang ng mga mambabatas.
Isa anyang malaking insulto sa partido ang ginagawa ng grupo ni Paras.
Dahil sa ginagawa ng grupo ng mga kongresista, mas dumami umano ang sumuporta sa nominasyon ni Senator Juan Flavier bilang standard bearer ng Lakas-CMD. Kabilang sa mga pinagpipiliang running mate nito bilang vice president sina Senators Loren Legarda, Robert Barbers at Noli de Castro.
Ang hakbang ay kinumpirma naman ni Lakas-CMD executive director Joey Rufino na nagsabi pang dedesisyunan ng partido ang usapin sa tamang panahon. (Ulat ni Malou Escudero)