Dahil dito, inilagay kahapon sa heightened alert ni National Capital Regional Police (NCRPO) Chief P/Deputy Director Reynaldo Velasco ang buong puwersa ng pulisya sa Metro Manila upang hadlangan ang posibilidad na umabot dito ang operasyon ng mga teroristang grupo.
Ayon kay Velasco, itoy bunsod na rin ng serye ng mga pambobomba, pamamaril at iba pang uri ng karahasan sa ibat-ibang panig ng Mindanao.
Aniya, maraming koneksiyon ang mga rebelde kahit saang lugar mapunta kaya kailangan ang mahigpit na monitoring sa mga kilos nito.
Partikular na inalerto ni Velasco ang kaniyang mga tauhan sa mga terminal ng bus, istasyon ng LRT at MRT, mga daungan, paliparan na maaring taniman ng bomba.
Nauna nang inihayag ng pulisya na maaring makisimpatya sa Iraq ang mga kaalyado nitong mga Muslim na naglulunsad rin ng mga pag-atake sa sandaling giyerahin na ng Estados Unidos ang nasabing bansa. (Ulat ni Joy Cantos)