^

Bansa

Suicide bombers aatake sa Metro Manila?

-
Hindi umano malayong umatake ang mga ‘suicide bombers’ ng mga teroristang grupo kabilang na ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Metro Manila upang maglunsad ng terorismo sa mga matataong lugar.

Dahil dito, inilagay kahapon sa ‘heightened alert’ ni National Capital Regional Police (NCRPO) Chief P/Deputy Director Reynaldo Velasco ang buong puwersa ng pulisya sa Metro Manila upang hadlangan ang posibilidad na umabot dito ang operasyon ng mga teroristang grupo.

Ayon kay Velasco, ito’y bunsod na rin ng serye ng mga pambobomba, pamamaril at iba pang uri ng karahasan sa iba’t-ibang panig ng Mindanao.

Aniya, maraming koneksiyon ang mga rebelde kahit saang lugar mapunta kaya kailangan ang mahigpit na monitoring sa mga kilos nito.

Partikular na inalerto ni Velasco ang kaniyang mga tauhan sa mga terminal ng bus, istasyon ng LRT at MRT, mga daungan, paliparan na maaring taniman ng bomba.

Nauna nang inihayag ng pulisya na maaring makisimpatya sa Iraq ang mga kaalyado nitong mga Muslim na naglulunsad rin ng mga pag-atake sa sandaling giyerahin na ng Estados Unidos ang nasabing bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANIYA

CHIEF P

DEPUTY DIRECTOR REYNALDO VELASCO

ESTADOS UNIDOS

JOY CANTOS

METRO MANILA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with