^

Bansa

Comelec pinagmulta ng Korte Suprema

-
Pinagmumulta ng Korte Suprema ang mga matataas na opisyal ng Commission on Election kabilang si Comelec Chairman Benjamin Abalos dahil sa hindi pagsunod ng mga ito sa kautusan ng SC na huwag magproklama sa mga partylist representative na nanalo noong nakaraang eleksiyon.

Sa 13-pahinang resolusyon ng SC en banc, pinagmumulta nito ng halagang P20,000 bawat isa sina Chairman Abalos, Commissioners Luzviminda Tancangco, Rufino Javier, Ralph Lantion at Mehol Sadaim dahil sa kanilang pagsuway sa kautusan ng Korte.

Pinagmumulta naman ng tig-P5,000 sina Comelec Commissioners Resurrecion Borra at Florentino Tuason Jr. sanhi ng kanilang naging partisipasyon sa ipinalabas na kautusan ng Comelec.

Nilinaw ng SC na mas mababang multa ang ipapataw kay Borra at Tuason matapos na matuklasan na lumagda rin sa resolusyon subalit sa bandang huli ay kinontra rin nila ito. Sinabi ng SC na umabuso sa kanilang tungkulin ang mga opisyal ng Comelec dahil sa hindi pagsunod ng mga ito sa ipinalabas na kautusan ng SC na hindi sila dapat magproklama ng party list groups hanggang hindi sila inaprubahan ng SC.

Nabatid na nagpalabas ng resolusyon ang Comelec noong Nobyembre 6, 2002 na pinapayagang iproklama ang partylists na APEC, AKBAYAN, BUTIL, CIBAC, BUHAY, ABA, COCOFED, NCIA, PM at SANLAKAS.

Samantalang pagsapit ng Nobyembre 22, 2002 ay iprinoklama ng Comelec ang APEC, BUTIL, CIBAC at AKBAYAN. Nilinaw ng SC na walang kapangyarihan ang Comelec na magpalabas ng naturang resolusyon o mosyon na may kaugnayan sa party list case. (Ulat ni Gemma Amargo)

CHAIRMAN ABALOS

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC COMMISSIONERS RESURRECION BORRA

COMMISSIONERS LUZVIMINDA TANCANGCO

FLORENTINO TUASON JR.

GEMMA AMARGO

KORTE SUPREMA

MEHOL SADAIM

NILINAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with