^

Bansa

OFWs nag-hunger strike

-
Nagsagawa ng hunger strike ang daang bilang ng overseas Filipino Workers sa tapat ng US Embassy kahapon dahil sa umano’y paninikil ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa karapatan ng mga ito na makapagpatakbo ng sariling industriya.

Ang hunger strike ay pinangunahan ni National Press Club (NPC) director Willie Espiritu matapos na pahintuin ni DOLE Secretary Patricia Sto. Tomas ang pagpapatupad sa RA 8042 na magbibigay ng karapatan sa mga stakeholders na magpatakbo ng sariling kompanya.

Sinabi ni Espiritu na sinasalungat ni Sto. Tomas ang mga senador na pumapabor na ipatupad ang nasabing batas.

Pumabor dito sina Senators Loren Legarda, Ramon Magsaysay Jr., Congressmen Ruben Torres, Gilbert Remulla at Krisel Lagman Luistro.

"She’s acting as if she is above the law," ani Espiritu.

Nanawagan din ang grupo ni Espiritu na aksiyunan ni Pangulong Arroyo ang ginagawang panggigipit ni Sto. Tomas sa karapatan ng OFWs at ng mga stakeholder. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CONGRESSMEN RUBEN TORRES

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ESPIRITU

FILIPINO WORKERS

GILBERT REMULLA

KRISEL LAGMAN LUISTRO

NATIONAL PRESS CLUB

PANGULONG ARROYO

RAMON MAGSAYSAY JR.

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with