Fil-Spanish Friendship day pinaghahandaan na

Naghahanda na ang Department of Foreign Affairs sa nakatakda at kauna-unahang selebrasyon ng Philippine-Spanish Friendship Day.

Ang preparasyon ay isinasagawa ng DFA matapos na lagdaan kamakailan ni Pangulong Arroyo ang isang batas na nagdedeklara ng Friendship Day na naglalayong mapagtitibay ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at mga bansa na kasama sa kasaysayan o history, values at traditions kabilang na ang Spain.

Sa darating na Hunyo 30, ang takda at makasaysayang araw na pinili ng pamahalaan para sa paggunita sa araw noong 1899 nang papurihan ni Presidente Emilio Aguinaldo at bigyan ng commendation ang mga Spanish soldiers dahil sa ipinamalas na katapatan at katapangan na sumakop sa simbahan ng Baler.

Iniutos din ni Pangulong Aguinaldo ang pagpapalabas ng isang batas na nagdedeklara na palayain ang mga Spanish prisoners at ibilang ang mga ito na kaibigan at bigyan ng passes upang makabalik sa Spain.

Sa kasaysayan, nagbigay din ng direktiba noon si Aguinaldo sa tropa ng pamahalaan na igalang o irespeto ang mga karapatan at property ng mga sumukong Kastila.

Sa buong Hunyo, gugunitain sa buong bansa ang Phil.-Spanish Friendship theme, partikular na ang mga importanteng araw gaya ng Araw ng Kalayaan, ang kaarawan ng bayaning si Jose Rizal, ang pagkakuha ng royal title ng lungsod ng Maynila at Foundation Day ng DFA at Navy.

Ang Administrative order sa implementasyon ng Friendship Day Bill ay inihahanda na para sa paglagda ng Pangulo. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments