Suicide bombers babanat vs tropang Kano
February 20, 2003 | 12:00am
Handa nang ipain ng mga Tausog "suicide bombers" ang kanilang mga sarili para patayin ang mga tropang Kano na nakatakdang dumating sa Jolo, Sulu para sa idaraos na joint RP-US military exercise o Balikatan 03-1.
"Tausog warriors welcome US troops with open arms," anang isang source.
Sinabi ng source na nasa kasaysayan na ng mga Sulueños ang pakikipag-komprontasyon sa mga Amerikano kaya ang balita tungkol sa pagdating ng US troops sa Sulu ay parang apoy na kumalat sa bawat village.
Ayon kay Nuruddin Lucman, isang Muslim historian, mayroong umiiral na "bad blood" sa pagitan ng Tausogs at Americans dahil sa Moro-American war na tumagal ng 14 taon.
Naging matindi ang Moro-American war noon pero ang huramentado o suicide killing ay isa nang normal na tanawin sa Sulu.
Ang mga Amerikano na noong mga panahong iyon ay gumagamit ng kalibre .38 baril ay kinailangang mag-imbento ng kalibre .45 baril at submachineguns para lamang pigilan ang mga suicide attacks.
Kung noong 1903 ay ang tradisyunal na Kris ang naging armas ng mga naghuramentadong mga Tausog sa pagsalakay sa mga Amerikano, ngayon ay makabagong mandirigma na may nakabalot na bomba sa katawan ang haharap sa mga Kano.
Nagbanta rin ang source na posibleng humantong sa matinding bakbakan sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at mga armadong grupo ang presensiya ng mga GIs na lalahok sa Balikatan 03-1.
"Theres no assurance that no American soldiers would get hurt during the conduct of the exercises and if it happens it will lead to massive armed confrontations," ani ARMM Governor Farouk Hussin.
Bagaman matagal na umano silang nagsususpetsa na palalawakin ang war games sa Mindanao ay hindi man lamang umano sila kinonsulta sa pagpasok ng tropang Kano sa Sulu.
Sinabi ni Hussin na masyado umanong brutal ang mga armadong grupo sa pangunguna ng Abu Sayyaf Group sa Sulu at hindi ng mga ito patatawarin ang mga Amerikanong sundalo sa sandaling mabitag sa pagtapak sa "combat zone."
Ang Sulu ay kilalang balwarte ng grupo nina ASG commanders Ghalib Andang alyas Commander Robot, Mujib Susukan, Radulah Sahiron, habang nagpapabalik-balik naman umano sa Basilan at Sulu ang kanilang chieftain na si Khadafy Janjalani. Ang mga nabanggit ay pawang may patong sa ulo na P5M. (Ulat nina Perseus Echeminada at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
17 hours ago
Recommended