Ang hakbang ay ginawa ni Lastimoso makaraang ibunyag kamakailan ang nadiskubreng kalokohan ng ilang drug testing firm na namemeke ng drug test result.
Nabulgar na mahigit 5,000 drug test results ay peke kaya ang bawat naisyuhan nitong motorista ay hindi na-renew ang drivers license.
"Ito po ang kagandahan na mayroon tayong ipinatutupad na IT system sa LTO, dahil dito nalalaman po natin ang mga namemeke ng papeles at hindi tumutupad sa rules and regulations ng LTO hinggil sa drug test program ng ahensiya," pahayag ni Lastimoso.
Sinabi din ni Lastimoso na takdang isumite ng binuong team na kinabibilangan ng LTO drug test committee, license evaluation team at Assecs office sa DOH ang may mahigit 50 drug testing firm na blacklisted at nameke ng drug test result ng mga motorista.
Inutos din ni Lastimoso na ibalik ng drug testing firm ang bayad ng mga motorista na hindi tinanggap ng LTO ang result. (Ulat ni Angie dela Cruz)