^

Bansa

Drug testing firms pipilayin ng LTO

-
Bumuo ng isang investigating team si Land Transportation Office (LTO) Chief Roberto Lastimoso para pilayin ang operasyon ng mga tiwaling drug testing firm na nanloloko ng mga motorista.

Ang hakbang ay ginawa ni Lastimoso makaraang ibunyag kamakailan ang nadiskubreng kalokohan ng ilang drug testing firm na namemeke ng drug test result.

Nabulgar na mahigit 5,000 drug test results ay peke kaya ang bawat naisyuhan nitong motorista ay hindi na-renew ang driver’s license.

"Ito po ang kagandahan na mayroon tayong ipinatutupad na IT system sa LTO, dahil dito nalalaman po natin ang mga namemeke ng papeles at hindi tumutupad sa rules and regulations ng LTO hinggil sa drug test program ng ahensiya," pahayag ni Lastimoso.

Sinabi din ni Lastimoso na takdang isumite ng binuong team na kinabibilangan ng LTO drug test committee, license evaluation team at Assec’s office sa DOH ang may mahigit 50 drug testing firm na blacklisted at nameke ng drug test result ng mga motorista.

Inutos din ni Lastimoso na ibalik ng drug testing firm ang bayad ng mga motorista na hindi tinanggap ng LTO ang result. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

ASSEC

BUMUO

CHIEF ROBERTO LASTIMOSO

CRUZ

DRUG

INUTOS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LASTIMOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with