Ayaw nang palalain pa ng Malacañang ang humahabang isyu sa AMLA kaya isang pagpupulong ng joint Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang isasagawa para pag-usapan ito.
Sinabi ni Finance Secretary Isidro Camacho na ang isang buwang palugit na ipinagkaloob ng FATF ay magkakaloob sa Kongreso ng sapat na panahon para makabalangkas ng mga amyendang hinihingi ng FATF.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na kung papatawan ang bansa ng parusa ng FATF bubusisiing mabuti ang lahat na transaksiyon na pumapasok sa Pilipinas kabilang ang mga bangko na pinadadalhan ng 7 milyong overseas contract workers ng kanilang dollar remittances sa kanilang pamilya. (Ulat nina Lilia Tolentino/Rudy Andal)