Ang epekto ng mga minahan sa Mt. Diwalwal
February 17, 2003 | 12:00am
Dahil ang Mt. Diwalwal ay mayaman sa ginto, maraming interesadong tao at negosyante ang gustong maunang makakuha ng magandang lugar na pagmiminahan. Dahil dito, naging problema ng pamahalaan kung sino ang dapat bigyan ng mining permit at kung sino ang hindi dapat.
Ang pinag-aawayan ngayon ay ang 729 hectares na mining site. Ang problema ngayon ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) ay kung sino ang mga may karapatang maghukay ng ginto sa mga minahan. Sakit sa ulo ng DENR ang legal problem laban sa mga malalaking mining firms na nag-aaply ng permit upang makapaghukay ng ginto. Isa na dito ang South East Mindanao Gold Mine Corp. o SEM. Kinuwestyon ng SEM sa Supreme Court ang pagdedeklara ng Provincial Mining Regulatory Board na ang 729 hectare na minahan ay para lamang sa small scale miners. Hindi pa nareresolba ang SC ang naturang usapin.
Sa kasalukuyan ay walang umiiiral na mining rules and regulations na nagiging dahilan upang hindi mapigilan ng DENR ang illegal mining sa Mt. Diwalwal.
Iniulat ng isang local official sa lugar na halos umabot na sa mahigit isang libo ang patayan sa pagdaraan ng taon dahil sa patuloy na pag-aawat ng ibat ibang mining groups. Ang Republic Act 7075 o Small Mining Act ang siyang nagpoprotekta sa mga maliliit na minero na nasa Mt. Diwalwal simula pa noong l987. Ito ang naging pangit na sitwasyon noon at ngayon.
Ayon kay Ma. Luisa L. Jacinto, acting regional director ng Mines and Geosciences ng DENR, nahihirapan ang ahensya na makapaglagay ng epektibong batas upang maproteksyunan at matigil ang environmental pollution sa Mt. Diwalwal dahil sa mga legal issues at ang patuloy na pag-aaway ng ibat ibang grupo ng minero. Hindi simple ang sitwasyon na ilipat ang kanilang processing sa paanan ng bundok upang madaling mamonitor ang kanilang waste disposal, subalit walang sinumang gustong sumunod. Iniutos din ng DENR sa mga minero na gumamit ng tailing pan upang doon ilagay ang kanilang dumi upang maiwasan ang pollution sa sapa at ilog subalit kinontra ito ng mga minero dahil sobrang mahal ang ganitong idea. Sinabi pa ng DENR na ang mga mining groups ay walang kaukulang permit na maipakita. (Ulat ni Butch Quejada)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest