^

Bansa

Utak sa 'pyramid' scam bitayin – Gringo

-
Pabor si Senator Gregorio Honasan na dagdagan ang bigat ng parusa sa sinumang mapapatunayang sangkot sa pyramid scam sa bansa.

Ayon kay Honasan, nagsumite siya ng isang legislative measure hinggil sa pagpapataw ng mas mabigat na parusa kasabay ng kanyang pagnanais na isulong na rin ang pyramid scam bilang heinous crime.

Aniya, sa ngayon ay kasong plunder lamang ang isinasampa sa mga taong may kuwestiyonableng P50 milyon kung kaya’t dapat lamang na ibilang ang pyramid scam sa mga karumal-dumal na krimen.

Sakaling maaprubahan ang kanyang panukala, hindi makakapaglagak ng piyansa ang sinumang kakasuhan ng pyramiding.

Madalas na hinihikayat ng mga pyramid scam artist ang mga retired military at government official, mga seamen at overseas Filipino workers na mag-invest kapalit ng malaking halaga.

Sinabi ni Honasan, na ang nauusong pyramid scam ay isang uri na rin ng pananabotahe sa ekonomiya ng bansa. Nahihikayat ang bawat isa na mag-invest sa pyramid scam dahil sa laki ng tubo na na makukuha ng bawat investor.

Aminado pa ang vice presidentiable mula sa Bicol na ang tubong nakukuha ng isang bank depositor ay hindi malaki kumpara sa tubo na makukuha ng investor na sumasali sa pyramiding scheme.

Ipinaliwanag ni Honasan na ang patuloy na pagdami ng pyramiding scheme ay bunga na rin ng magaan at mababang parusa na ipinapataw sa mga napapatunayang nagkakasala.

Ikinakatwiran ng mga sangkot sa pyramiding na maliit lamang na halaga ang nawawala sa kanila na ginagamit nila sa pagpipiyansa.

Kabilang din sa pinamamanmanan ni Honasan ay ang Multitel, Tibayan Group at Mateo Management Group na umano’y ilan lamang sa mga naglalakihang kompanya na nagsasagawa ng pyramiding.

AMINADO

ANIYA

AYON

BICOL

HONASAN

IKINAKATWIRAN

MATEO MANAGEMENT GROUP

SENATOR GREGORIO HONASAN

TIBAYAN GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->