Buong House of Representative kinasuhan sa Ombudsman
February 13, 2003 | 12:00am
Dahil sa ginawang pag-snub ng mga mambabatas sa impeachment complaint ni Philippine Consultative Assembly secretary general Linda Montayre laban kay Pangulong Arroyo, sinampahan sa Ombudsman ang lahat ng mga kongresista kasama si House Speaker Jose de Venecia.
Sa apat na pahinang reklamo na isinampa nina Montayre, Datu Norodin, Alonto Lucman, Glicerio Gervero at Virgilio Amado, sinabi ng mga ito na lumabag si Speaker de Venecia at lahat ng mga mambabatas na kasapi ng House of Representatives sa Anti-Graft Law and Corrupt Practices Act at Code of Conduct for Government Officials and Employees.
Ayon kina Montayre, nagdesisyon silang maghain ng impeachment complaint laban kay Arroyo noong Enero dahil sa paglabag nito sa Konstitusyon, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust at iba pang krimen, subalit hindi ito tinanggap ng House secretary general dahil sa walang gustong mag-endorso sa kanilang reklamo.
isa-isa umano nilang nilapitan ang mga mambabatas upang pag-aralan ang kanilang ihahaing impeachment complaint pero wala pa ring nag-endorso dito.
Ayon sa impeachment rules, hindi maaring tanggapin ng House secretary general ang alin mang impeachment complaint laban sa isang opisyal ng pamahalaan kung hindi ito iindorso ng kahit isang congressman.
Sinabi pa ni Montayre na binigyan nila ng hanggang Pebrero 10 sina de Venecia at iba pang mambabatas na iendorso ang reklamo subalit tinanggihan pa rin nila ang impeachment complaint kaya naghain na sila ng kaso sa Ombudsman.
Ayon naman kay Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen, isang malaking kabaliwan ang ginawa ni Montayre na pagsasampa ng kaso laban sa lahat ng miyembro ng Kamara.
Isa umanong pamba-blackmail ang hakbang na ito ng PCA para i-endorso ng mga kongresita ang impeachment complaint. Lalo lamang anyang mawawala ng tagasuporta ang grupo dahil sa ginawa nilang panggigipit sa mga mambabatas. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest