Binigyan ng 48-oras ng gobyerno si Hussain na umalis na sa bansa kung saan ang "verbal note" ay ipinaabot ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople kay Iraqi Charge d Affaires Samir Bolus.
Sinabi ni Ople na nakatanggap rin ng impormasyon mula sa intelligence community na may lihim na pagpupulong sa pagitan ng ilang opisyal ng Iraq at mga opisyal ng teroristang National Democratic Front upang labanan o pabagsakin ang pamahalaan.
Nagbigay naman ng kasiguruhan si Bolus na aalis sa Pilipinas si Hussain bago ang takdang oras pabalik sa Iraq.
Hindi naman nagbigay ng konkretong dahilan ang pamahalaan hinggil sa pagpapalayas kay Hussain. Hindi rin naman umangal si Bolus sa naging desisyon ng pamahalaan at tinanggap ng kusa ang naturang verbal note. (Ulat ni Ellen Fernando)