^

Bansa

Ituloy ang laban – GMA

-
Iniutos kahapon ni Pangulo na ituloy ang opensibang militar sa Pikit, Cotabato ngunit ang target ng operasyon ay hindi Moro Islamic Liberation Front (MILF) kundi mga elementong kriminal kasama ang Pentagon kidnap gang.

Nilinaw ng Pangulo na ang tigil-putukan na ipinatupad niya kamakalawa ay pansamantala lamang bilang paggalang sa selebrasyon ng Muslim holiday na Hajj.

Ang paglilinaw ay kasabay ng pahayag ng Malacañang na nananatiling bukas ang pinto ng pakikipagnegosasyong pangkapayapaan sa MILF na nakatakdang ganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi ng Pangulo na bagaman ang pakay ng opensiba ay mapalabas ang mga armadong kriminal sa kuta ng MILF, ang mga sundalo ay nakahanda namang magdepensa ng sarili laban sa puwersang humaharang sa kanilang misyon.

Ang opensibang militar na inutos ng Pangulo ay nakasentro sa Buliok complex sa Liguasan marsh area sa Gitnang Mindanao na siyang natukoy na base ng operasyon at kutang pinagtataguan ng Pentagon kidnap gang.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 70 miyembro ng MILF at tatlong sundalo ang nasawi habang 15 sundalo at 18 rebelde naman ang nasugatan sa patuloy na bakbakan sa Pikit.

Kasabay nito, iniulat din ni AFP spokesman Col. Essel Soriano na dalawang 138 kilovolts tower ng Napocor ang binomba ng mga rebelde sa Brgy. Pagagawan at Brgy. Pagalungan, sanhi upang makaranas ngayon ng blackout sa naturang bayan.

Sinabi ni Soriano na patuloy na nakapuwesto ang limang batalyon ng sundalo sa paligid ng MILF at patuloy na gaganti ng putok sa mga pag-atake ng mga rebelde.

Nabatid na muling umatake dakong alas-11 ng tanghali kahapon ang may 50 rebelde sa pinupuwestuhan ng mga elemento ng 40th Infantry Battalion sa Brgy. Buloy kung saan muling sumiklab ang bakbakan.

Nauna rito, sinalakay kamakalawa ng gabi ang puwersa ng Philippine Marines na nagresulta ng pagkasugat ng may 4 na sundalo. Muling sumugod ang mga rebelde bandang alas-2 kahapon ng madaling araw sa puwesto naman ng 2nd Special Forces Battalion na nagresulta sa pagkasawi ng isang sundalo.

Mananatili umano ang puwersa ng militar upang hindi na mabawi ng mga rebelde ang nasakop na kampo ng mga ito at inaasahang maitaboy ang mga ito upang tuluyang makabalik na sa kanilang tahanan ang may 18,000 kataong evacuees.

Sinabi ni Soriano na posibleng matigil lang ang nagaganap na operasyon ng militar laban sa MILF sa oras na isuko na nito si Tahir Alonto at mga miyembro ng Pentagon na kinakanlong ng mga rebeldeng MILF. (Ulat nina Lilia Tolentino at Danilo Garcia)

BRGY

DANILO GARCIA

ESSEL SORIANO

GITNANG MINDANAO

INFANTRY BATTALION

KUALA LUMPUR

LILIA TOLENTINO

PANGULO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with