'Big fish' sa jueteng target ng Jericho
February 12, 2003 | 12:00am
Higit na pinatindi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kampanya laban sa illegal na sugal sa jueteng.
Ito ay makaraang atasan ni DILG Secretary Joey Lina si Task Force Jericho head Supt. Noel Estanislao upang dakpin ang mga tinaguriang "big fish" na nasa likod ng mga illegal na pasugalan sa bansa partikular na ang jueteng.
Inutos din ni Lina ang pagpapalakas sa anti-gambling operations nito kabilang na sa mga lugar sa Norte laluna sa Mindanao region kung saan talamak dito ang illegal gambling.
Kaugnay nito, giniit ni Lina sa Kongreso na magpatupad ito ng batas na maglalaan ng mas matinding parusa laban sa mga taong nasa likod ng illegal gambling.
Mababaw anya at hindi kinatatakutan ang kasalukuyang anti-gambling laws bunsod para magpatuloy ang mga sindikato.
Kinasuhan na ng DILG ang may mahigit 30 pinaghihinalaang jueteng personnel na nahuli ng Jericho sa sunud-sunod na operasyon na isinagawa sa Metro Manila at karatig lalawigan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended