^

Bansa

Ceasefire sa Pikit inutos ni GMA

-
Iniutos kahapon ni Pangulong Arroyo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pansamantalang paghinto ng pananalakay ng militar sa Pikit, North Cotabato at Pagalungan, Maguindanao para maisalba ang negosasyong pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang temporary ceasefire ay sa gitna ng ginagawang pagtugis ng tropang militar sa mga bandido na kinabibilangan ng Pentagon kidnap gang at Abu Sayyaf na nagtatago umano sa kampo ng MILF.

Ayon kay Presidential Assistant for Mindanao Jesus Dureza, pinuno ng panel ng pamahalaan, magpapatawag siya ng pulong ng ceasefire committee sa Cotabato City para sa pagpapatupad ng tigil-putukan.

Ang ginagawang opensiba ng militar ang siyang balakid sa panunumbalik ng pormal na peace talks na nakatakdang gawin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa buwang ito. Wala pang opisyal na pahayag ang Palasyo kung muling itatakda sa susunod na buwan ang negosasyong pangkapayapaan sa MILF.

Nabatid na daang mga residente na ang nagsilikas sa naturang mga lugar sa takot na madamay sa nagaganap na labanan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COTABATO CITY

KUALA LUMPUR

LILIA TOLENTINO

MINDANAO JESUS DUREZA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ASSISTANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with