^

Bansa

Pagbuwag sa BIR pasado na

-
Pumasa kahapon sa House committee on ways and means ang consolidated bill na naglalayong buwagin na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at palitan ito ng National Authority for Revenue Administration (NARA).

Bagaman at tutol ang nasa 12,000 kawani nang bubuwaging BIR, lumusot ang panukala sa isinagawang hearing ng komiteng pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada.

Siniguro naman ni Lozada sa mga empleyado ng BIR na hindi lahat ay matatanggal sa kanilang trabaho dahil muli silang kukunin ng bagong itatayong ahensiya.

Ang inaprubahang panukala ay mula sa consolidated bill na House Bill No. 5054 o International Revenue Management Authority (IRMA) at HB No. 5465 o ang National Authority Revenue Administration (NARA).

Iginiit naman ng BIR Employees Association (BIREA) na bigyan sila ng limang buwang sahod sa bawat taon na kanilang ipinagserbisyo sa BIR.

Sinabi ni CIBAC Partylist Rep. Joel Villanueva na hindi makatarungan ang hinihingi ng BIREA dahil aabot sa P10.3 bilyon ang mawawala sa pamahalaan.

Magugunitang ibinunyag kamakalawa ni Villanueva na maliban sa 5-month separation package na hinihingi ng BIREA ay bibigyan pa rin ang mga ito ng one-month separation benefit mula sa GSIS. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

APOLINARIO LOZADA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

EMPLOYEES ASSOCIATION

HOUSE BILL NO

INTERNATIONAL REVENUE MANAGEMENT AUTHORITY

JOEL VILLANUEVA

MALOU ESCUDERO

NATIONAL AUTHORITY

NATIONAL AUTHORITY REVENUE ADMINISTRATION

NEGROS OCCIDENTAL REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with