^

Bansa

Tamad na hukom binalaan

-
Nagbabala ang Korte Suprema sa mga hukom na tamad na kakastiguhin ang mga ito kapag hindi nagsimula sa takdang oras ng pagdinig sa kanilang hawak na mga kaso.

Ang babala ay inihayag ni Supreme Court Sr. Associate Justice Josue Bellosillo, Chairman ng Oversight Committee matapos na sorpresang bumisita sa 37 mababang korte, 30 Regional Trial Court (RTC) at pitong Metropolitan Trial Court sa Makati City bunsod na rin ng pinaigting na kampanya ng Kataas-taasang Hukuman laban sa mga batugang hukom.

Ayon kay Bellosillo, kapag itinakda sa oras na 8:30 ng umaga ang hearing ay kailangan eksaktong simulan ito ng hukom at hindi pinag-aantay ang mga taong dinidinig.

Kasama sa mga naglibot sina ret. Associate Justices Bernardo Pardo, Arturo Buena at Angelina Sandoval-Gutierrez.

Ginawa ng nasabing komite ang pagbisita sa mga mababang hukuman matapos na lumabas sa pag-aaral ng Court Management Office ng Court Administrator na simula noong Disyembre 2002, ang Makati RTC ay mayroong 7,880 na nakabinbing kaso samantalang ang MTC ay 28,588 na karamihan ay kasong paglabag sa anti-bouncing check law. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANGELINA SANDOVAL-GUTIERREZ

ARTURO BUENA

ASSOCIATE JUSTICES BERNARDO PARDO

COURT ADMINISTRATOR

COURT MANAGEMENT OFFICE

GEMMA AMARGO

KORTE SUPREMA

MAKATI CITY

METROPOLITAN TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with