Sinabi ni Pagdanganan na kung mangyayari ito, makakaligtas ang mga magsasaka sa malaking interest rates mula sa mga pinagkakautangang indibidwal o kumpanya.
Higit din umanong mapapabilis na mapagyaman ng mga magsasaka ang kanilang sinasakang lupa dahil sa suportang pinansiyal na ipagkakaloob sa mga ito ng mga bangko.
Ang House bill 5511 o tinaguriang Enhanced Collateral Value of Farm Lands Act of 2002 ay nagbibigay ng karapatan sa mga magsasaka na gamiting loan collateral ang sakahan na naipagkaloob sa kanila sa ilalim ng Land Reform Program ng pamahalaan. (Ulat ni Angie dela Cruz)