Sa ipinalabas na direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, inatasan nito si MMDA Chairman at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Bayani Fernando na pangunahan ang paghuli sa lahat ng mga colorum na sasakyan.
Alinsunod sa kautusan ng Pangulo, binigyan nito ng ngipin ang MMDA upang sugpuin ang libong mga colorum na sasakyan na patuloy na naglipana sa Metro Manila at kadalasan umanong nagiging milking cow ng ilang kawani ng pamahalaan na nakatalaga sa LTO at maging sa Philippine National Police (PNP).
Nabatid pa na ang hakbang ay upang maiwasan ang turuan kung aling ahensiya ng pamahalaan ang higit na may hurisdiksiyon na sumugpo sa mga colorum na sasakyan tulad ng nangyaring sisihan sa pagitan ni Fernando at LTO Chief Roberto Lastimoso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)