^

Bansa

MMDA lead agency na vs colorum vehicles

-
Dahilan sa mabagal umanong pag-aksiyon ng Land Transportation Office (LTO), ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na ngayon ang inatasang maging lead agency upang manghuli ng mga colorum na behikulo na pangunahing sanhi ng masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Sa ipinalabas na direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, inatasan nito si MMDA Chairman at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Bayani Fernando na pangunahan ang paghuli sa lahat ng mga colorum na sasakyan.

Alinsunod sa kautusan ng Pangulo, binigyan nito ng ngipin ang MMDA upang sugpuin ang libong mga colorum na sasakyan na patuloy na naglipana sa Metro Manila at kadalasan umanong nagiging ‘milking cow’ ng ilang kawani ng pamahalaan na nakatalaga sa LTO at maging sa Philippine National Police (PNP).

Nabatid pa na ang hakbang ay upang maiwasan ang turuan kung aling ahensiya ng pamahalaan ang higit na may hurisdiksiyon na sumugpo sa mga colorum na sasakyan tulad ng nangyaring sisihan sa pagitan ni Fernando at LTO Chief Roberto Lastimoso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALINSUNOD

CHIEF ROBERTO LASTIMOSO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SECRETARY BAYANI FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with