OFW sa Iraq pinalilikas ni GMA

Pinalilikas na ni Pangulong Arroyo sa mas ligtas na lugar ang mga OFW sa Iraq dahil sa posibilidad na matuloy na ang giyera.

Sa kautusan ng Pangulo, sa ayaw at sa gusto ng mga OFW ay iaalis sila habang mananatili doon ang mga opisyal ng RP embassy.

Ito ay matapos mabatid na karamihan sa mga manggagawang Pinoy ay ayaw pang umalis.

Sinabi naman ni DFA Secretary Blas Ople na wala pang dahilan para ilikas ang mga nagtatrabaho sa ibang bahagi ng ME.

Show comments