Sa panayam, sinabi ni Iraqi Embassy in Manila charge de affaires Samir Bolous na dapat ay magbitiw na si Bush para mabigyan ng tsansa ang kapayapaang hangad ng maraming lider mula sa ibat ibang bansa.
Ayon kay Bolous, kung mananatili umano bilang Pangulo ng super power na bansang Amerika si Bush ay maituturing na isang malaking gulo at panganib ito sa buong mundo dahil ito umano mismo ang maituturing na "weapons of mass destructions."
Aminado rin si Bolous na dahilan sa lantarang pagpapakita ng suporta ni Pangulong Arroyo sa US ay nagkaroon ng lamat ang relasyon ng Iraq at ng bansa. (Ulat ni Joy Cantos)