Sinabi ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na dapat ay naging maingat sa pagbibigay ng statement si Santiago dahil siguradong matatakot nang pumunta sa Pilipinas ang mga turista.
Kuwestiyonable rin aniya ang pahayag ni Santiago na posibleng bombahin ang bansa dahil hindi sigurado kung may ispisipikong impormasyon itong pinagkunan.
Ibinunyag pa ni Marcos na isang top security analyst ang nagtangkang berepikahin ang sinasabing impormasyon ni Santiago buhat sa US Embassy at sinabihan ito ng isang security specialist na "merely speculation" lamang ang pahayag ng general.
Ipinahayag pa ni Marcos na bagaman at dapat maghanda ang pamahalaan sa pinakalubhang puwedeng mangyari sa bansa ay hindi naman dapat magbigay ng nakakaalarmang babala ang mga opisyal ng gobyerno na wala namang pinagbabasehan. (Ulat ni Malou Escudero)