^

Bansa

RP babahain ng travel advisories

-
Malaki ang posibilidad na bahain ang Pilipinas ng mga travel advisories mula sa iba’t ibang bansa dahil sa mga nakaaalarmang pahayag ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Dionision Santiago, na maaaring maging target ng terorista ang bansa kapag nagsimula na ang giyera sa Iraq.

Sinabi ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na dapat ay naging maingat sa pagbibigay ng statement si Santiago dahil siguradong matatakot nang pumunta sa Pilipinas ang mga turista.

Kuwestiyonable rin aniya ang pahayag ni Santiago na posibleng bombahin ang bansa dahil hindi sigurado kung may ispisipikong impormasyon itong pinagkunan.

Ibinunyag pa ni Marcos na isang top security analyst ang nagtangkang berepikahin ang sinasabing impormasyon ni Santiago buhat sa US Embassy at sinabihan ito ng isang security specialist na "merely speculation" lamang ang pahayag ng general.

Ipinahayag pa ni Marcos na bagaman at dapat maghanda ang pamahalaan sa pinakalubhang puwedeng mangyari sa bansa ay hindi naman dapat magbigay ng nakakaalarmang babala ang mga opisyal ng gobyerno na wala namang pinagbabasehan. (Ulat ni Malou Escudero)

ARMED FORCES CHIEF OF STAFF GEN

DIONISION SANTIAGO

IBINUNYAG

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

IPINAHAYAG

KUWESTIYONABLE

MALAKI

MALOU ESCUDERO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with