^

Bansa

Senador Magsaysay trinaydor sa Anti-Money Laundering Law

-
Inihayag kahapon ni Senator Ramon Magsaysay Jr. ang sama ng loob nito sa kanyang mga kasamahan sa administration bloc na "nagtraydor" sa kanilang panukala na ibaba sa P500,000 ang threshold bilang amyenda sa Anti-Money Laundering Law.

Hindi man tahasang tinukoy ni Sen. Magsaysay, ang sinasabi niyang walang "palabra de honor" na mga kasama sa administration bloc ay sina Senate Majority Leader Loren Legarda, Sen. Noli de Castro at Sen. Manuel Villar na kumontra sa kanyang panukala na ibaba sa P500,000 ang threshold.

Bumoto ng pabor sa P2 milyong threshold sina Legarda, de Castro at Villar kaya natalo ang panukalang amyenda ni Magsaysay na sumunod sa itinakdang threshold ng Financia Action Task Force (FATF) na P.5 milyon upang maalis ang Pilipinas sa listahan ng mga Non-Cooperative Countries and Territories (NCCT).

Nangangamba naman si Sen. Robert Barbers na kapag umiral ang P2 milyong threshold sa amendments ng Anti-Money Laundering Law ay malamang na hindi pa rin tayo alisin ng FATF sa listahan ng mga NCCT.

Sabi ni Barbers, ang nais ng FATF na maging amendments ng AMLA partikular sa threshold ay P500,000 mula sa umiiral na P4 milyon.

Dahil ang inaprubahang threshold ay P2 milyon ay malamang hindi pa rin tayo alisin sa listahan ng NCCTc ng FATF bukod sa pangamba na kapag hindi din natin naipasa ang amendments ng AMLA sa Feb. 12 ay patawan tayo ng sanctions. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ANTI-MONEY LAUNDERING LAW

FINANCIA ACTION TASK FORCE

MAGSAYSAY

MANUEL VILLAR

NON-COOPERATIVE COUNTRIES AND TERRITORIES

ROBERT BARBERS

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

SENATOR RAMON MAGSAYSAY JR.

THRESHOLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with