Ebidensiya vs Iraq isusumite sa UN

Nakatakda nang magsumite si US Secretary of State Colin Powell ng ebidensiya laban sa Iraq upang patatagin ang kanilang binabalak na giyerahin ang naturang bansa.

Si Powell ay nangakong magsusumite ng "convincing case" laban sa Iraq hinggil sa umano’y pagmamatigas sa UN disarmament resolutions."

Nabatid na nangangalap na rin ng suporta si US President George Bush sa mga miyembro ng Security Council para mapagtibay ang gagawing aksiyon laban sa Iraq.

Magugunita na nauna nang itinanggi ni Iraqi leader Saddam Hussein sa isang interview na isinahimpapawid sa Britain kamakalawa na may koneksiyon ang kanilang grupo sa Al-Qaeda terrorist network na responsable sa nangyaring madugong pag-atake noong Setyembre 11, 2001 sa New York at Washington. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments