Ito ang inihayag kahapon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Victoriano Lecaros sa ginanap na regular na forum kahapon sa Citio Fernandina sa Greenhills, San Juan.
Nabatid na kabilang sa mga bansang may "weapons of mass destructions" ay ang Russia, France, Britain, China, India at Pakistan pero itoy lingid sa kaalaman ng mga opisyal ng United Nations (UN).
Ikinatwiran naman ni Lecaros na hindi umano porke may "weapons of mass destructions" ang nasabing mga bansa ay dapat nang aksiyunan ang mga ito ng UN di tulad ng Iraq na nasa kasaysayan na ang paglulunsad ng mga pag-atake.
Hindi naman umano kabilang ang Pilipinas sa mga bansang pinagdududahang nagtatago ng mga mapanganib na armas pandigma. (Ulat ni Joy Cantos)