Al-Qaeda terrorist hina-high blood na
February 4, 2003 | 12:00am
Pinayagan ng Korte Suprema ang hinihinging permiso na makapagpagamot ang hinihinalang Al-Qaeda terrorist na si Agus Dwikarna.
Sa isang pahinang resolusyon ng Supreme Court (SC) en banc, pinayagan nito ang request ni Dwikarna na sumailalim siya sa preliminary checkup dahil sa nakararanas umano ito ng hypertension.
Subalit nilinaw ng Mataas na Hukuman na tanging premilinary lamang at hindi ang executive general checkup ang kanilang pinayagan. Tinanggihan din ng SC ang kahilingan na isagawa ang kanyang pagpapatingin sa Makati Medical Center sa halip ay gagawin ito sa kulungan ng Camp Crame o Veterans Memorial Hospital sa loob ng limang araw. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended