Pardon sa 2 OFW sa Kuwait hiling ni GMA
February 4, 2003 | 12:00am
Personal na hiniling ni Pangulong Arroyo kay Kuwaiti leader Emir Sheik Jabber Al Ahmed Al Sabah na bigyan ng clemency ang dalawang overseas Filipino workers na sina Danilo Espino at Joseph Ras Urbiztondo na kapwa hinatulan ng life dahil sa magkahiwalay na kasong pagpatay.
Si Espino ay hinatulan ng bitay ng Court of First Instance sa State of Kuwait noong Nobyemrbe 1998 matapos na mapatay nito at pagputul-putulin ang katawan ng kapwa OFW na si Bb. Rocaya Bangon. Ang hatol ay ibinaba sa habambuhay.
Si Urbiztondo na nakulong noong Hulyo 7, 1996 ay hinatulan ng 25 taon sa pagpatay sa Bangladeshi taxi driver na si Azizur Rahman. Inalok umano ng biktima si Urbiztondo na makipag-sex sa kanya. Nang maibigay ang serbisyo ay tumanggi ang huli na magbayad. Nagalit si Urbiztondo kaya hinampas nito ng raketa sa ulo sanhi ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended