Sa harap ng libu-libong OFWs na nagtipon sa The Tent, Bayan Palace sa Al Jahra-1, inihayag ng Pangulo na handa siyang maging mensahero ng OFWs para sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Personal na inabot ng OFWs ang kanilang mga sulat at mensahe sa Pangulo para ihatid sa kanilang mga mahal sa buhay, na malugod namang tinanggap ng Presidente.
"They should not worry too much because their loved ones (in Kuwait) are relaxed and that the Philippine government is prepared for any emergency. Please help your President deliver the same message, through your calls, text messages and letter. I will appreciate your cooperation in their regard," wika ng Pangulo.
"And if you are able to give me your letters tonight, I can deliver them to your loved ones," pahayag ng Pangulo na labis na ikinagalak ng mga OFW.
Sinabi rin ng Pangulo na karamihan sa manggagawa sa Kuwait ay ayaw umalis sa trabaho. Gayunman, gusto raw nilang malaman kung ano ang plano ng gobyerno para sa kanilang kaligtasan.
Kasabay nito, inatasan niya si Ambassador Roy Cimatu na tutukang mabuti ang pangangailangan at kaligtasan ng mga Pilipinong nurse sa Kuwait na hiningan ng tulong ng pamahalaang Kuwait sakalit sumiklab ang digmaan ng US at Iraq. Ang mga nurse na ito ay hindi tatanggap ng dagdag na sahod o hazard pay sa kanilang paglilingkod.
May direktiba ang gobyernong Kuwait sa mga nurse na dayuhan na kung may emergency sakalit matuloy ang giyera, sila ang pinakahuling aalis ng bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)