^

Bansa

Hula ng Pinoy Psychic natupad!

-
Nagkatotoo ang hula ng isang Pilipino psychic nitong nakalipas na linggo sa pagbagsak ng Space Shuttle Columbia na inilarawan nito na "big flying object falling from the sky" bilang senyales ng pagsisimula ng mga kapahamakan mula sa gawa ng tao at kalikasan o natural catastrophe na tatama sa mga pangunahing siyudad sa buong mundo.

Sinabi ni Danilo Atienza sa ginanap na lingguhang forum noong Miyerkules sa Greenhills, San Juan na nakikita niya na may isang flying object na babagsak mula sa himpapawid.

Aniya, ang aksidente ay magiging senyales ng tinawag nitong "pagbabago ng mundo" na babangga sa global magnetic field na siyang magiging dahilan ng madalas na paglindol at pagputok ng mga bulkan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Hindi pinansin ang prediksyon ni Atienza ukol sa falling object dahil natuon ang atensyon ng mga mamamahayag sa mga isyung pulitikal at sa hula nitong posibleng pagbabago ng pamahalaan sa mga susunod pang buwan.

Magugunita na sinabi ni Atienza na maaagaw ang posisyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung hindi ito mag-iingat sa mga darating na buwan at nakikita rin nito na may dalawang Senador ang mamamatay ngayong taon, mula sa matinding karamdaman at ang isa ay sa bayolanteng insidente.

Noong nakalipas na tatlong taon, nagkatotoo ang prediksyon ni Atienza na mapapatalsik sa Malacañang si dating Pangulong Joseph Estrada at ang pagkamatay ng dalawang Kongresista noong 2000.

Sa isang follow-up interview kahapon, sinabi ni Atienza na ang Space Shuttle Columbia ay hinigop pababa ng negatibong puwersa na naging dahilan ng pagbulusok at pagsabog nito mula sa kalawakan.

"Ito na ang simula sa pagbabago ng mundo," ani Atienza.

Bukod sa Space Shuttle Columbia, magkakaroon aniya ng madalas na pagbagsak ng mga eroplano at ang pagguho ng mga gusali sa Estados Unidos, Japan at Germany.

Magkakaroon din ng serye ng kalamidad, na magaganap umano sa paninimula ng siglo o isang daang taon.

Nakikita rin niya na magiging magulo ang pulitika sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang ang Asian countries gaya ng Pilipinas, North Korea at China.

Dahil sa pagkakalansag ng magnetic field, lilitaw ang mga maliliit na sapa o ilog at magkakaroon ng mga malalaking alon sa karagatan na siyang hahampas sa mga barko dahilan ng paglubog nito at pagputok ng mga bulkan.

Ngayong taon, nakikita niya na matutuloy ang eleksyon sa 2004, maraming maglalabasang malalaking uod mula sa mundo bilang resulta ng tinawag nitong "global trending", lilitaw ang isang bagong uri ng peste na kasintulad ng isang ipis; maraming iskandalo sa mga artista at tv hosts at ang maganda ay ang pagyaman ng Pilipinas sa buong Asia dahil sa langis sa darating na panahon. (Ulat ni Perseus Echeminada)

vuukle comment

ATIENZA

DANILO ATIENZA

ESTADOS UNIDOS

NORTH KOREA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PERSEUS ECHEMINADA

SPACE SHUTTLE COLUMBIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with