Netherlands payag ibalik si Joma
January 31, 2003 | 12:00am
Tapos na ang maliligayang araw ni Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) Chairman Jose Ma. Sison, itoy matapos na mangako kahapon ang pamahalaang The Netherlands na tutulong sa Pilipinas sa anumang paraan upang madakip ito at iba pa niyang kapanalig na kasalukuyang nasa naturang bansa at agarang ibalik sa Pilipinas.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople, nakausap niya si State Secretary for European Affairs Atzo Nicolai ng Netherlands at nangako ng kanilang kooperasyon para sa agarang pag-aresto kay Joma.
Sinabi ni Ople na inimpormahan siya ni Nicolai na maging ang publiko sa Dutch ay nawawalan na ng interes kay Sison kaya posibleng ang mamamayan na rin sa Netherlands ang magsusuplong sa kinaroroonan nito.
Nangako pa ang Netherlands na mananatiling kabilang sa foreign terrorist list si Sison at NPA. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended