^

Bansa

Human cloning sa RP haharangin ng Kongreso

-
Upang masiguro na hindi makakarating sa Pilipinas ang kontrobersiyal na human cloning, isang panukalang batas ang inihain kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagbabawal sa pagsasagawa ng human cloning.

Sa House Bill no. 5629 na inihain ni Batangas Rep. Victoria Reyes, sinabi nito na dapat maging maagap ang pamahalaan sa pagpasa ng batas upang maharang ang posibilidad na pagsasagawa ng human cloning sa bansa.

Ang human cloning ay legal na sa United Kingdom, subalit pinagdedebatehan pa rin ito sa Amerika matapos isilang ang isang tupa na nagngangalang Dolly sa pamamagitan ng cloning.

Ang cloning ay nagsisimula sa pamamagitan ng pagkuha ng DNA buhat sa egg cell ng isang babae at pinapalitan ito ng genetic material mula sa taong gustong gayahin o i-clone. Nangyayari ang development ng embryo sa laboratoryo saka ito ilalagay sa sinapupunan ng isang ina.

Naniniwala si Reyes na ang legalisasyon ng cloning ay hindi lamang isang malaking kasalanan kundi pagmamanipula sa buhay ng tao. (Ulat ni Malou Escudero)

AMERIKA

BATANGAS REP

CLONING

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

NANGYAYARI

SA HOUSE BILL

UNITED KINGDOM

VICTORIA REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with