FVR next president
January 30, 2003 | 12:00am
Bagaman itinuturing na isa nang "Dark Horse" ay sisikat at posible umanong makabalik sa kapangyarihan si dating Pangulong Fidel Ramos sakaling magdesisyon itong muling tumakbo sa 2004 presidential elections.
Ito ang naging prediksiyon kahapon ng kilalang psychic sa bansa na si Danilo Atienza sa ginanap na forum sa Citio Fernandina sa Greenhills, San Juan.
Ayon kay Atienza, may kaakibat na suwerte para sa sinumang tatakbo sa pagkapangulo ang mga letrang EL at OS na kapwa magkasunod na makikita sa pangalan at apelyido ni Ramos.
Si Ramos umano ay isang matinding banta laban sa hanay ng mga presidential bet ng bawat partido pulitikal na bagaman di gaanong mabango sa kasalukuyan ay siguradong hahataw naman ilang araw bago ganapin ang halalang pampanguluhan.
Sakali naman umanong hindi kumandidato si Ramos, isa pa sa nakikita niyang dadapuan ng suwerte ay si House Speaker Jose de Venecia Jr. na natalo at pumangalawa lamang kay dating Pangulong Joseph Estrada noong 1998 presidential elections.
Inihalimbawa nito na ang mga sinuwerteng presidentiables na may EL at OS sa pangalan ay sina dating Pangulong Elpidio Quirino at Sergio Osmeña.
Bagaman nagwagi umano sa eleksiyon si dating Pangulong Ramon Magsaysay ay hindi ito nagtagal sa puwesto dahil walang EL at OS o kaakibat na suwerte para magtapos ang kanyang termino matapos na bumagsak ang eroplanong sinasakyan nito noong 1957.
Sa kabila naman umano ng kasikatan ni dating Education secretary Raul Roco ng Aksiyon Demokratiko, sakaling magwagi umano ito ay hindi nito matatapos ang kanyang termino dahil nga walang EL at OS ang pangalan nito.
Maging si da king Fernando Poe Jr. ay hindi rin umano magtatagal sa posisyon kapag sinuwerteng manalo sa halalan.
Samantala si Senador Panfilo Lacson na sinasabing malamang na iindorsong presidential bet ng oposisyon bagaman may L, O at S sa pangalan ay magkakalayo umano ito kayat mamalasin lang at di mananalo sa eleksiyon dahil magulo ang "trending" ng mga letra ng pangalan nito sa numerology para sa posisyon ng lider ng bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest