Murder isinampa vs Joma
January 29, 2003 | 12:00am
Pormal nang sinampahan ng PNP ng kasong murder sa Department of Justice si CPP-NPA leader Jose Maria Sison dahil sa pagpatay kay dating Cagayan Rep. Rodolfo Aguinaldo at sa security nitong si PO2 Joey Garo noong Hunyo 12, 2001 sa Tuguegarao City.
Sa apat na pahinang complaint affidavit sa DOJ ng PNP, dalawang kasong murder ang isinampa laban kay Sison, Victor Servidores, Evangeline Rapanut, Wilfredo Valencia, Victoria Tesorio, Manuel Calumbano, Santiago Dolarte at Randy Malayao. Ang pagsasampa ng kasong murder ay bunsod sa pag-amin ng mga opisyal ng Cagayan Valley Regional Committee ng NPA na sila ang responsable sa pagpatay kay Aguinaldo.
Kumilos na rin ang PNP para sampahan ng kaso ang grupo ni Sison dahil sa pagkakapaslang kay dating NPA leader Rolly Kintanar. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest