^

Bansa

Lacson sa 2004 presidential polls walang dating sa Lakas

-
Hindi nakasorpresa sa administration party Lakas-NUCD ang pag-aanunsiyo ng oposisyon na si Senador Panfilo Lacson ang kanilang gagawing standard bearer sa halalan sa 2004.

Ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Joey Rufino, sa umpisa pa lang ay alam na ng Lakas na tatakbong presidente si Lacson.

Inihayag din ni Rufino na kung gusto ng action king na si FPJ na sumali sa Lakas ay bukas ang kanilang pinto para sa kanya. Ayon kay Rufino, si FPJ ay puwede nilang ikandidatong senador at kung gusto niyang kumandidatong gobernador, puwede rin.

Subalit sinabi ni Rufino na ang posisyong presidente ay isang sensitibong puwesto at kung nais ni FPJ na kumandidato sa pinakamataas na posisyon sa bansa kailangan niyang dumaan sa proseso ng pilian. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

INIHAYAG

LACSON

LAKAS

LILIA TOLENTINO

POLITICAL AFFAIRS JOEY RUFINO

PRESIDENTIAL ADVISER

RUFINO

SENADOR PANFILO LACSON

SUBALIT

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with