^

Bansa

Joma pababalikin upang harapin ang mga kaso

-
Ikakampanya ng pamahalaan ang pagpapabalik sa bansa ni CPP founding chairman Jose Maria Sison para papanagutin sa pagpaslang kay dating NPA leader Romulo Kintanar at iba pang mga biktima ng kanilang karahasan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, pabor ang pamahalaan na hingin ang extradition ni Sison dahil mas mabibigyan ng pagkakataon na maharap nito ang mga kasong kriminal kung ito ay babalik sa bansa.

Ayon kay Bunye, ang pag-amin ng CPP-NPA na sila ang may kagagawan sa pagpaslang kay Kintanar ay sapat nang dahilan para sampahan sila ng kaso para bigyang katarungan ang pagkamatay ng dating NPA leader.

Nabatid na sa kasalukuyan ay wala pa ring extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Netherlands kaya nagiging dahilan ito upang maging taguan ni Sison ang nabanggit na bansa.

Magugunita na inirekomenda pa lamang ni Defense Secretary Angelo Reyes sa DOJ na ibilang ang bansang Netherlands sa listahan ng mga bansang may extradition treaty upang puwersahin ang mga kriminal na nagtatago doon na pabalikin sa bansa.

Bukod kay Sison, kasama rin nito na nagtatago ngayon sa Netherlands ang rebeldeng pari na si Luis Jalandoni. (Ulat nina Lilia Tolentino/Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BUKOD

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

GEMMA AMARGO

JOSE MARIA SISON

LILIA TOLENTINO

LUIS JALANDONI

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

ROMULO KINTANAR

SISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with