Joma kakasuhan ng murder at frustrated murder
January 26, 2003 | 12:00am
Sasampahan ng kasong murder at frustrated murder ng Department of Interior and Local Government (DILG) si National Democratic Front (NDF) founding chairman Jose Maria Joma Sison dahil sa umanoy pagpatay kina Cagayan Congressman Rodolfo Aguinaldo noong Hulyo 12,2001; Chief of Police Supt. Cesar Santader ng Lopez, Quezon at SPO1 Nestor Santiago at ikinasugat ng iba pang pulis, nakalipas na taon.
Sinabi ni Interior Sec. Jose Lina, ang pagsasampa ng kaso laban kay Sison ay bunsod sa pag-amin ng ilang miyembro ng Fortunato Camos Command na pinamumunuan ni Armando Liwanag na sina Ruben Guevarra at Franklin Rubeliza, mga tumiwalag sa kanyang grupo at nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan. Siya ang itinuturong responsable sa krimen.
Ayon kay Lina, may probable cause at sapat na ebidensya ang kaso laban sa NDF founding chairman. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended